“Kasama Natin ang Diyos sa Gitna ng Baha”🌊

🌧️ “Kasama Natin ang Diyos sa Gitna ng Baha” Mga Talata sa Biblia: 📖 “Kapag dumaan ka sa tubig, sasamahan kita; kapag tumawid ka sa mga ilog, hindi ka malulunod.” — Isaias 43:2 📖 “Ang Panginoon ay kanlungan ng mga naaapi, matibay na muog sa panahon ng kaguluhan.” — Awit 9:9 📖 “Pinatigil niya ang bagyo, kaya’t tumahimik ang alon ng dagat.” — Awit 107:29 ====== 🌊 Pagninilay: Sa araw na ito, marami sa atin ang literal na nakararanas ng unos—walang tigil na ulan, tumataas na baha, at pagkabalisa na baka pumasok na ang tubig sa ating mga tahanan. Nakakatakot. Nakakapagod. Nakakapraning. Ngunit kahit tila magulo ang mundo sa ating paligid, ang presensya at pangako ng Diyos ay hindi nagbabago. Sa Isaias 43:2, hindi ipinangako ng Diyos na hindi tayo daraan sa baha, pero tiyak Niyang sinabi: “Sasamahan kita.” Ang bagyo ay maaaring malakas, pero mas makapangyarihan ang Kanyang tinig. Ang baha ay maaaring tumaas, pero ang Kanyang pag-ibig ay hindi kailanman nawawala. Ang mga bagyo—pisikal ma...